It's one of those days.
Matagal ko na siyang di nakakausap - mas lalo ng hindi nakikita. Pero ewan ko, habang tumatagal, natututunan ko ng tanggapin lahat. Siguro kasi nasasanay na ako. Na parang nabubuhay naman ako araw araw na wala siya. Pero syempre, kung papapiliin ako, hindi ko gugustuhin na ganito mangyari samin. Wala naman may gusto nun diba?
Marami na talaga kaming napagsamahan. Andiyan siya sa lahat ng aspeto ng buhay ko, lahat ng holidays, birthdays, graduation, prom at kung ano ano pa. Kung kelan nga naging "dalaga" na ako, dun pa siya nawala e. Napakasakit. Pero kailangan tanggapin.
Ang sakit kasi parang ngayong taon yung pinakaimportante sa buhay namin. Nag-18 ako at ggraduate yung mga kapatid ko. Pero yun nga, ganon talaga buhay eh.
Namimiss ko siya. Naiingit ako paminsan sa mga taong may katulad pa niya. Nawalan ako ng kausap sa gabi - ng makakausap tungkol sa mga nangyayari sa school, friends at kay Cj.
Kahit ano naman yata gawin ko, ganito na talaga. Parang di na din mababago. Kailangan ko nalang tanggapin na nagbago na ang buhay namin. Hindi naman ako bumibitaw kay God e. Alam ko din naman na andiyan yung mga kaibigan ko. May pamilya pa din naman ako.
Hindi ako dapat kaawaan. Nabubuhay pa naman ako e. Yun yung mahalaga dun. Di pa din ako nawawalan ng pag asa na maging masaya.
Wala lang, nag drama lang. Birthday niya kasi bukas.
{/Saturday, March 21, 2009}
Typed by Yours Truly.